Saturday, October 26, 2013

1st Winner of Join, Build & Shine Fund Drive

Congratulations to   Che-che Fernando, holder of Ticket No. 0188! You have just won this Cherry Mobile W6i phone drawn this afternoon at Selimian Paraclete School. You can claim your prize thru your solicitor Kim Andrea Amodia Huerta. Please present your ticket when claiming your prize. Thank you!


Friday, October 4, 2013

THE BEAUTIFUL UNSEEN TEMPLE

THE BEAUTIFUL UNSEEN TEMPLE

A builder built a temple
He wrought it with grace and skill;
Pillars and grains and arches
All fashioned to work his will.
Men said as they saw its beauty
“It shall never know decay.
Great is thy skill, O Builder
Thy fame shall endure for ages.”

A teacher built a temple,
With loving and infinite care;
Planting each arch with patience,
Laying each stone with prayer
None praised her non-ceasing efforts
None knew of her wondrous plan.
For the temple the teacher built
Was unseen by the eyes of man.

Gone is the builder temple
Crumpled into the dust
Low lies its stately pillars
Food for consuming dust.
But the temple the teacher built
Will last while the ages roll
For the beautiful unseen temple
Is the child’s immortal soul.

Saturday, September 21, 2013

Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2013



Every program is always actually a general rehearsal....


(photo many years back- when Selimian Paraclete School was still Fort Magsaysay Preschool) Ganito ang typical preschool program, pag kinulang sa powers ang anak o pupil, lagi handa ang nanay o teacher to the rescue. 

kaya para sa mga parents kahapon sa "Pagdiriwang ng Wika at Pagka-Pilipino" (na napostponed at finally naisagawa nga kahapon) - isang napakaganda at matagumpay na programa ang naisagawa natin kahapon. You may post your pictures and upload your videos here :-)

Tuesday, August 6, 2013

Barangay Militar, gumising ka!

                                                       

May mga nakapaskil na ganitong tarpaulin sa iba't ibang lugar sa Brgy. Militar: sa Brgy. Hall, sa Palayan City Water District Extension Office (dating Mayor's Extension Office), sa Covered Court, sa bungad ng talipapa, sa Purok 1 sa ancestral house ng Punong Barangay, at marahil ay mayroon pa sa ibang panig ng barangay. Isa na naman itong malinaw na pagtatangka na iligaw at linlangin ang kaisipan ng ating mga kabarangay at isang maruming paraan sa pagkuha ng public sympathy.


Ang katotohanan: Sa bisa ng Decision na may petsang July 04, 2013 ng Municipal Trial Court in Cities (MTCC) Third Judicial Region, Palayan City, ang Civil Case No. 634 ay "DISMISSED"
at walang pinanigan ang korte sa magkabilang panig

Ibig sabihin, hindi kinilala ng korte na may karapatan ang Punong Brgy. Nelson M. Quiddam at ang St. Anthony Center of Science & Technology, Inc. sa nasabing lupa na naikaso, gayundin ang Selimian Paraclete School, Inc. Sa Decision ng Korte, walang nanalo, walang natalo.

Sa tunay na diwa, nanalo ang Selimian Paraclete School, Inc. dahil napagtagumpayan nitong pigilin at baliin sa Korte ang illegal na pananakop ng Punong Barangay at naideklarang wala silang karapatan. 

Ang tunay na tinitindigan ngayon ng Selimian Paraclete School, Inc. ay ang nauna nitong pagpoposisyon na legal, malinis bagamat matagal na proseso sa DENR na siyang legal na tanggapan na nakakasakop sa usapin sa lupa ng Brgy. Militar. 

DENR (at hindi korte) ang tanging ahensya ng gobyerno na mangangasiwa sa pagpapatitulo sa lupa ng Brgy. Militar, DENR (at hindi korte) ang magku-qualify ng aplikante sa mga bakanteng quasi-public na lupa ng Brgy. Militar. Walang kakayahan o karapatan ang isang punong barangay upang i-negotiate kaninuman ang anumang lupa ng Brgy. Militar na hindi nya posisyon o pag-aari

Balik sa dating sitwasyon bago nagkaroon ng kaso, nakaposisyon ang Selimian Paraclete School, Inc. sa nasabing lote, dumadaan sa legal na proseso sa DENR, at sinumang muling magtatangka ng illegal na pananakop ay muling sasansalain nito sa korte. Sa korte naman (at hindi sa DENR) inihahain ang mga reklamo hinggil sa violation sa karapatan ng sinuman sa diwa ng Presidential Proclamation No.709.

Sa tatlong mga kaso na (1) Civil Case on Forcible Entry with TRO, (2)Administrative Case on Grave Abuse of Authority and Gross Misconduct na isinampa ng Selimian Paraclete School, Inc. at  (3)Criminal Case on Illegal Construction na isinampa ng City Engineering Office of Palayan City laban sa mga defendants na Punong Barangay Nelson M. Quiddam, St. Anthony Center of Science & Technology at Brgy. Sekretaryo Teodoro A. Quindara, at sa mga pinagdaanang pagtutunggalian sa korte hinggil sa nasabing usapin, natuto na sana ang lahat sa aral na hatid nito. Hindi na mababawi at mababali ang mga desisyon sa kaso, mapapait at masasakit man ang mga ito ay hindi ito mapagtatakpan pa ng panlilinlang sa mga kabarangay at humanap ng damay o kumuha ng public sympathy. 

Ang Selimian Paraclete School, Inc. bagama't isang maliit na institusyon ng edukasyon sa Brgy. Militar ay hindi titindig na lumaban sa namumuno sa pamayanan KUNG wala itong matibay at tamang pinaninindigan.


Matuto na sana ang lahat sa hatid na aral ng mga karanasang ito. 




Sunday, May 26, 2013

What is Selimian Paraclete School Inc.?

Selimian Paraclete School Inc. is an institution that maintains to integrate the nine (9) domains of Multiple Intelligences with the K to 12 Education Program. It advocates independent learning, taps and enhances the children's potentials. It is one of the few schools that discourages tutoring, for tutoring defeats independent learning. Its advocacy is to teach and grow in service, not in business.






                                                               (Illustration taken from the Internet)













Saturday, March 9, 2013

Notice to all Selimianist

If  you are a student, graduate, parent or relative of a student or graduate, teacher, associate or friend, and anybody connected with
                      Selimian Paraclete School, Inc.
                      Purok 8 Brgy. Militar, Fort Magsaysay
                      Palayan City, Nueva Ecija 3130
then you are very much welcome to this site. We have created this blogsite for us. Feel free to log and blog. This site is for us.Thank you very much.